Sambuhay Salmo | Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay | Abril 4, 2022 Butihing Poo’y purihin, pag-ibig niya’y walang maliw. 1. Ang taga-Israel, bayaang sabihi’t kanilang ihayag, “Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kukupas.” Mga saserdote ng Diyos na Panginoon, bayaang magsaysay: “Ang pag-ibig ng Diyos, walang katapusan.” Lahat ng may takot sa Panginoong Diyos, dapat magpahayag, “Ang pag-ibig niya’y hindi magwawakas.” (T) 2. Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng tirahang-bahay. Sa lahat ng bato’y higit na mahusay. Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos. Kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod. O kahanga-hanga ang araw na itong ang Diyos ang nagbigay, tayo ay magalak, ating ipagdiwang! (T) 3. Kami ay iligtas, tubusin mo, Poon, kami ay iligtas, at pagtagumpayin sa layuni’t hangad. Ang pumaparito sa ngalan ng Poon ay pagpapalain; magmula sa templo, mga pagpapala’y kanyang tatanggapin! Ang Panginoon ang D’yos, pagkabuti niya sa mga hinirang. (T) Chords: G-D7-Am-D7-Am-D7-G Verse: G-Am-D7-G Tono ng tugon mula sa Sambuhay Philippines For learning purposes only.