Sambuhay Salmo | Instrumental | Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Araw ngayon ng Maykapal, magalak tayo’t magdiwang. 1. O pasalamatan ang D’yos na Panginoon, pagkat siya’y mabuti; ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili. Ang taga-Israel, bayaang sabihi’t kanilang ihayag, “Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kukupas.” 2. Ang lakas ng Poon, ang siyang nagdulot ng ating tagumpay sa pakikibaka sa ating kaaway. Aking sinasabing di ako papanaw, mabubuhay ako upang isalaysay ang gawa ng Diyos na Panginoon ko. (T) 3. Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng tirahang-bahay, sa lahat ng bato’y higit na mahusay. Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos. Kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod. (T) Chords: C-E-F-Am-F-G-C Verse: C-Bb-C, C-F-G Tono ng tugon mula sa Sambuhay Philippines For learning purposes only.