Ikalawang Salmo | Ikalawang Salmo - Bihilya ng Pasko ng Pagkabuhay Diyos ko, ang aking dalangi’y ako’y iyong tangkilikin. 1. Ikaw lamang, Panginoon, ang lahat sa aking buhay, ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan; ang biyayang kaloob mo ay kahanga-hangang tunay. Nababatid ko na ika’y kasama ko orasoras, sa piling mo kailanma’y hindi ako matitinag. (T) 2. Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang diwa ko’y nagagalak, ang lagi kong nadarama’y hindi ako matitinag. Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak, sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas. (T) 3. Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan, sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan. (T) "D'yos ko, ang aking dalangi'y ako'y iyong tangkilikin." Chords: Dm-A-Dm Verse: F, Dm-C-F, Bb-C-F, Am-Dm Musika ni Ferdinand M. Bautista for learning purposes only