Ikatlong Salmo | Bihilya ng Pasko ng Pagkabuhay

Ikatlong Salmo | Bihilya ng Pasko ng Pagkabuhay

Ikatlong Salmo | Bihilya ng Pasko ng Pagkabuhay "Poon ay ating awitan sa kinamtan niyang tagumpay!" 1. Ang Panginoo’y atin ngayong awitan sa kanyang kinamtang Dakilang tagumpay; ang mga kabayo’t kawal ng kaaway sa pusod ng dagat, lahat natabunan. Ako’y pinalakas niya’t pinatatag, siya ang sa aki’y nagkupkop, nag-ingat, Diyos ng magulang ko, aking manliligtas. (T) 2. Siya’y mandirigma na walang kapantay,Panginoo’y kanyang pangalan. Nang ang mga kawal ng Faraon sa Dagat ng mga Tambo ay mangagsilusong, ang lahat ng ito ay kanyang nilunod pati na sasakya’y kanyang pinalubog. (T) 3. Sila’y natabunan ng alon ng dagat tulad nila’y batong lumubog kaagad. Ang mga bisig mo ay walang katulad, wala ngang katulad, walang kasinlakas. Sa isang hampas mo, kaaway nangalat, nangadurog mandin sa ’yong mga palad. (T) 4. Sila’y dadalhin mo sa pinili mong bundok. Sa lugar na itinangi mo, para maging iyong lubos at sa santwaryong natayo ayon sa iyong loob. Ikaw, Poon, maghahari magpakailanman. (T) chords: C-Dm-G7-C verse: C-Am, Dm-G, Em-Am, G-C Musika ni Ferdinand M. Bautista for learning purposes only