Unang Salmo | Bihilya ng Pasko ng Pagkabuhay "Espiritu Mo'y suguin, Poon tana'y 'yong baguhin." 1. Pinupuri ka, Poong Diyos, nitong aking kaluluwa ikaw Panginoong Diyos ko, kay dakila mong talaga! Ang taglay mong kasuota’y dakila ri’t marangal pa. Nababatbat ka, Poong Diyos, ng liwanag na kay ganda. (T) 2. Ikaw na rin ang nagtayo ng saligan nitong lupa, matatag na ginawa mo’t hindi ito mauuga. Ang ibabaw ng saliga’y ginawa mong karagatan, at tubig din ang bumalot sa lahat ng kabundukan. (T) 3. Lumilikha ka ng ilog na patungong kapatagan, sa gilid ng mga burol, umaagos na marahan. Sa naroong kakahuya’y umaawit ng masaya, mga ibo’y nagpupugad sa malabay nilang sanga. (T) 4. Magmula sa kalangitan, mga bundok ay nadilig, ibinuhos ang biyaya’t lumaganap sa daigdig. Tumubo ang mga damong pagkain ng mga baka. Nagkaroon ng halamang masaganang namumunga; anupa’t ang mga tao’y may pagkaing nakukuha. (T) 5. Sa daigdig, Panginoon, kay rami ng iyong likha pagkat ikaw ay marunong kaya ito ay nagawa, ang dami ng nilikha mong nakalaganap sa lupa Panginoo’y purihin mo, purihin mo, kaluluwa! Purihin ang Panginoon, O purihin mo nga siya! (T) chords: D-G-D-Bm-Em-A-D verse: D-A, Bm-A, F#m-Bm, E-A Musika ni Ferdinand M. Bautista for learning purposes only