SALMO 68 - Dumulog tayo sa Diyos upang mabuhay nang lubos.

SALMO 68 - Dumulog tayo sa Diyos upang mabuhay nang lubos.

Salmo 68:14 at 17, 30-31, 33-34, 36ab at 37 Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon, K Music Sheet:   / iampsalmist   RCRamos (2019) Tugon: Dumulog tayo sa Diyos upang mabuhay nang lubos. At sa ganang akin, ako’y dadalangin sa Iyo, O Poon, sana’y Iyong dinggin sa mga panahon na Iyong ibigin; dahil sa dakilang pag-ibig sa akin, ang Iyong pangakong pagtubos ay sundin. Poon, sa buti Mo’t pag-ibig sa akin, sa aking pagtawag ako sana’y dinggin, sa pagkahabag Mo, ako ay lingapin. (T) Naghihirap ako’t mahapdi ang sugat, O Diyos, itayo mo, ako ay iligtas. Pupurihin ang diyos, aking aawitan, dadakilain ko’t pasasalamatan. (T) Kung makita ito niyong mga dukha, sila ay sasamba sa laki ng tuwa. Dinirinig ng Diyos ang may kailangan, Lingkod na bilanggoy’ di nalilimutan. (T) Ang Lungsod ng Sion, Kanyang iniligtas, Bayang nasa Juda’y muling itatatag; Magmamana nito’y yaong lahi nila, May pag-ibig sa Diyos ang doo’y titira. (T)