July 13, 2025 Salmo | Salmo 68: Dumulog Tayo Sa Diyos Upang Mabuhay Nang Lubos.

July 13, 2025 Salmo | Salmo 68: Dumulog Tayo Sa Diyos Upang Mabuhay Nang Lubos.

INSTRUMENTAL:    • [INSTRUMENTAL] July 13, 2025 Salmo | Salmo...   2in1 BUNDLE VIDEO (WITH VOCALS + INSTRUMENTAL): ENGLISH PSALM VERSION:    • July 13, 2025 Psalm | Psalm 69: Turn To Th...   COMPLETE PSALMS, SALMO & INSTRUMENTALS for JULY 2025:    • July 2025 Salmo, Psalms & Instrumentals   Music Composed by: Rolly Ocampo 羅利 for July 13, 2025 Mass | Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Salmo 68: 14 at 17. 30-31. 33-34. 36ab at 37 SALMONG TUGUNAN: Dumulog Tayo Sa Diyos Upang Mabuhay Nang Lubos. 1. At sa ganang akin, ako’y dadalangin/ sa iyo, O Poon, sana’y iyong dinggin/ sa mga panahon na iyong ibigin;/ dahil sa dakilang pag-ibig sa akin,/ ang iyong pangakong pagtubos ay sundin./ Poon, sa buti mo’t pag-ibig sa akin,/ sa aking pagtawag ako sana’y dinggin,/ sa pagkahabag mo, ako ay lingapin. (T) SALMONG TUGUNAN: Dumulog Tayo Sa Diyos Upang Mabuhay Nang Lubos. 2. Naghihirap ako’t mahapdi ang sugat,/ O Diyos, itayo mo, ako ay iligtas./ Pupurihin ang Diyos, aking aawitan,/ dadakilain ko’t pasasalamatan. (T) SALMONG TUGUNAN: Dumulog Tayo Sa Diyos Upang Mabuhay Nang Lubos. 3. Kung makita ito niyong mga dukha,/ sila ay sasamba sa laki ng tuwa./ Dinirinig ng Diyos ang may kailangan./ Lingkod na bilanggo’y di nalilimutan. (T) SALMONG TUGUNAN: Dumulog Tayo Sa Diyos Upang Mabuhay Nang Lubos. 4. Ang Lungsod ng Sion, kanyang iniligtas,/ bayang nasa Juda’y muling itatatag;/ magmamana nito’y yaong lahi nila,/ may pag-ibig sa Diyos ang doo’y titira. (T) SALMONG TUGUNAN: Dumulog Tayo Sa Diyos Upang Mabuhay Nang Lubos.