Mga Pagbasa ngayong Miyerkules | Ika - 30 ng Oktubre 2024 | Ika - 30 Linggo sa Karaniwang Panahon

Mga Pagbasa ngayong Miyerkules | Ika - 30 ng Oktubre 2024 | Ika - 30 Linggo sa Karaniwang Panahon

Mga Pagbasa ngayong Miyerkules Ika - 30 ng Oktubre 2024 Ika - 30 Linggo sa Karaniwang Panahon UNANG PAGBASA Efeso 6: 1-9 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga anak, sundin ninyo ang iyong magulang, alang-alang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako; ganito ang pangako: “ikaw ay giginhawa at lalawig ang iyong buhay rito sa lupa.” Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong anak dahil sa malabis ninyong kahigpitan; sa halip, palakihin sila sa tuntunin at aral ng Panginoon. Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga panginoon dito sa lupa nang buong galang, takot at katapatan, na parang si Kristo ang inyong pinagliilingkuran. May nakakikita man o wala, ganyan ang gawin ninyo, hindi upang magbigay-lugod sa mga tao kundi dahil sa kayo’y lingkod ni Kristo at kusang-loob na gumaganap ng kalooban ng Diyos. Maglingkod kayo nang may mabuting kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao lamang. Sapagkat alam ninyong gagantihin ng Panginoon ang bawat mabuting gawa ninuman, alipin man o malaya. Mga panginoon, maging mabuti kayo sa inyong mga alipin at huwag silang pagbataan, sapagkat alam ninyong kayo’y parehong alipin ng iisang Panginoon na nasa langit at walang itinatangi. Ang Salita ng Diyos. MABUTING BALITA Lucas 13: 22-30 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, nagpatuloy si Hesus sa kanyang paglalakbay. Siya’y nagtuturo sa bawat bayan at nayon na kanyang dinaraanan patungong Jerusalem. May isang nagtanong sa kanya, “Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?” Sinabi niya, “Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makapapasok. “Kapag ang pinto’y isinara na ng puno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok. Sasabihin ninyo, ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami.’ Sasagutin niya kayo, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo!’ At sasabihin ninyo, ‘Kumain po kami at uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa mga lansangan namin.’ Sasabihin naman ng Panginoon, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo! Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa ng masama!’ Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, at kayo nama’y ipinagtabuyan sa labas! At darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos. Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #filipinoholyeucharist #gospel #fypシ゚viralシ #fypシ゚viral #fypシ゚ #virals ============================== Send your prayer petition and prayer request to [email protected] and we include your request into our 2000 Hail Mary's Devotion to Our Blessed Virgin Mary every 1st Saturday of the month.