Mga Pagbasa ngayong Martes Ika - 29 ng Oktubre 2024 Ika - 30 Linggo sa Karaniwang Panahon UNANG PAGBASA Efeso 5: 21-33 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, pasakop kayo sa isa’t isa tanda ng inyong paggalang kay Kristo. Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng simbahan, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito. Kung paanong nasasakop ni Kristo ang simbahan, gayon din naman, ang mga babae’y dapat pasakop nang lubusan sa kani-kanilang asawa. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Kristo sa simbahan. Inihandog niya ang kanyang buhay para rito, upang ang simabaha’y italaga ng Diyos matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita. Ginawa niya ito upang maiharap sa kanyang sarili ang simbahan, marilag, banal, walang batik at walang anumang dungis o kulubot. Dapat mahalin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sariling nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan, bagkus ito’y pinakakain at inaalagaan, gaya ng ginagawa ni Kristo sa simbahan. Tayo’y mga bahagi ng kanyang katawan. “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at sila’y magiging isa.” Isang dakilang katotohanan ang inihahayag nito — ang kaugnayan ni Kristo sa simbahan ang tinutukoy ko. Subalit ito’y tumutukoy rin sa bawat isa sa inyo: mga lalaki, mahalin ninyo ang inyu-inyong asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang ninyo ang inyu-inyong asawa. Ang Salita ng Diyos. MABUTING BALITA Lucas 13: 18-21 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Ano ang katulad ng paghahari ng Diyos? Saan ko ihahambing ito? Katulad ito ng isang butil ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang halamanan. Ito’y lumaki hanggang sa maging punongkahoy at namugad ang mga ibon sa mga sanga nito.” Sinabi pa ni Hesus, “Saan ko itutulad ang paghahari ng Diyos? Katulad ito ng lebadurang inihalo ng isang babae sa tatlong takal na harina, anupat umalsa ang buong masa.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #filipinoholyeucharist #gospel #devotion #fypシ゚viralシ #fypシ゚ #virals #fypシ゚viral ============================== Send your prayer petition and prayer request to [email protected] and we include your request into our 2000 Hail Mary's Devotion to Our Blessed Virgin Mary every 1st Saturday of the month.