Mag-Asawang NPA Leader Sumuko | Kidlat News Update (February 14, 2022 6PM)

Mag-Asawang NPA Leader Sumuko | Kidlat News Update (February 14, 2022 6PM)

Ang labis na pagka-sabik na makapiling ang kanilang pamilya ang nag-tulak sa mag-asawang miyembro ng New People’s Army para sumuko at iwan ang armadong pakikipag-laban sa Caraga. Sinabi ni Police Regional Office-13 Director Brig. Gen. Romeo Caramat, Jr na nagpasyang sumuko ang dalawa upang makapiling ang mahal nila sa buhay. Kinilala ni Caramat ang dalawang sumuko na isang Alyas Wendel na team leader ng Sub-Regional Committee 3, Guerrilla Front 4A sa ilalim ng North Central Mindanao Regional Committee ng New People’s Army. Kasama ni Alyas Ka Wendel sa kanyang pagsuko ang live-in partner na si Alyas An-An na nagsisilbi namang squad medic ng kaparehong grupo. Nabatid pa na si Alyas Wendel ay kapatid ni Jealan Pinakilid, Alyas Baking, ang Commanding Officer ng Guerrilla Front 4A na nag-operate sa Agusan Del Norte at Misamis Oriental. Pagod na umano ang dalawa sa armadong pakiki-paglaban at nais nang bumalik sa payapa at normal na pamumuhay. Alamin ang detalye ng balitang yan at iba pang NEWS UPDATE mula sa Kidlat News Channel. Ngayon Na! For more great stories, please subscribe to our Youtube channel: https://tinyurl.com/s4vocvc Like & follow us on Facebook:   / greatczarmed.  . #KidlatNewsChannel #NPA #Duterte