2 Pulis, 1 Menor Sugatan sa NPA Ambush | Kidlat News Update (February 14, 2022 4PM)

2 Pulis, 1 Menor Sugatan sa NPA Ambush | Kidlat News Update (February 14, 2022 4PM)

Sugatan ang dalawang pulis at isang sibilyan na menor de edad sa pananambang ng new people’s army sa barangay big-ao bayan ng binalbagan negros occidental. Sa ulat ng binalbagan municipal police station – sakay ang sampung pulis ng isang patrol vehicle at patungo ng sitio nursery makaraang rumesponde sa isang ulat na kaso ng pamamaslang linggo ng umaga. Pagdating ng sitio candida dos ay umalingawngaw na lang ang putok mula sa mga miyembro ng communist terrorist group kaya gumanti rin ng putok ang mga pulis. Gayunman, nagpasabog ang mga rebelde ng hinihinalang anti-personnel mines dahilan para masugatan ang dalawang pulis at tinamaan naman ng ligaw na bala ang isang kinse anyos na batang lalaki. Mabilis namang tumakas ang mga rebelde sa hindi matukoy na direksyon. Alamin ang detalye ng balitang yan at iba pang NEWS UPDATE mula sa Kidlat News Channel. Ngayon Na! For more great stories, please subscribe to our Youtube channel: https://tinyurl.com/s4vocvc Like & follow us on Facebook:   / greatczarmed.  . #KidlatNewsChannel #PNP #NPA