🥊SHAWN PORTER KAYA DAW PATULUGIN si CRAWFORD | BOB ARUM HILAW PA at DELIKADO si CRAWFORD kay PACMAN

🥊SHAWN PORTER KAYA DAW PATULUGIN si CRAWFORD | BOB ARUM HILAW PA at DELIKADO si CRAWFORD kay PACMAN

Shawn Porter patutulugin daw si Crawford pero si Terence Crawford umaasa pa ding sasagutin ang panliligaw sa kamao ni Pacquiao. Naglambingan sa social media kumakailan sina Showtime Shawn Porter at Terence Bud Crawford tungkol sa posibleng match-up ng dalawa Sa isang post ni Porter sa Twitter – sinabi nito na “handa na siya sa darating na Mayo” sabay tag kay Terence Crawford at Top Rank Boxing. Nakuha naman ni Porter ang atensiyon ng undefeated WBO Welterweight champ sabay replay ng 3 emojing naghihikab – at sinabing stand by ka lang muna – na mukhang wala pang interes na labanan si Porter. Ipinaliwanag naman ni Porter sa interview ng fighthype.com ang kahulugan ng kanyang sagot sa paghihikab ni Crawford – gusto niya lang dawn a ma-entertain ang mga boxing fans at ibigay ang hinahanap nilang magandang laban. Tiyak daw na magiging ma-aksyon ang bakbakan kung sila ang magtatapat ni Crawford. Wala naman siyang planong kulitin or galitin si BUD sa kanyang mga sinabi sa twitter, gusto niya lang daw ipahayag ang kanyang damdamin na siya ang magandang makapareha ni Crawford sa ring. Opinyon ko lang, talagang mukhang umaasa pa din si Crawford sa matamis na OO ng ating pambansang kamao. Matagal na niyang dinidiskartehan si Pacman, pero mukhang hindi siya type ni Manny sa ngayon. At kung hindi ma-finalize ang date ni Pacquiao kay Mikey Garcia sa ibabaw ng lona, malamang mag move-on itong si Crawford at papatulan niya na lang si Porter bilang panakip-butas. O baka gusto lang kontrahin ni Crawford ang sinabi ni Bob Arum sa interview ng Hustle Boss. Natanong si Arum kung handa na daw ba ang kanyang alagang si Crawford na harapin ang isang alamat sa katauhan ni Pacquiao – ang kanyang sagot. Iniisip daw ng karamihan ng kanyang mga match-makers sa Top Rank e, masyado pa daw hilaw si Crawford kung itatapat kay Pacquiao. May butas daw ang depensa ni Crawford na kayang ma-penetrate ng mahusay at kaliweteng boksingero na tulad ni Pacman Mabilis at malakas daw ang kamao ni Pacquiao – ang tanong - ano daw ang mangyayari kay Crawford pag tinamaan siya ng isa? Mukhang makakapanood na tayo ng magagandang laban ngayong 2021. Kung matuloy ang labang Manny Pacquiao vs Mikey Garcia – magpapag-pag ang ating fighting senator ng ring-rust para sa posibleng mega-fight kina Crawford, Spence o McGregor. Kahit sino sa tatlo ang makakapareha ng ating pambansang kamao, e tiyak na aabangan ito ng buong mundo. Ang tanong – ilang laban pa kaya ang pwedeng kasahan ni Pacquiao – I comment ang inyong sagot #showtimeshawnporter #terencebudcrawford