Jerwin Pretty Boy Ancajas at Mark Magnifico Magsayo, mapapalaban ngayong darating na Abril. Mga makakabanga, silipin natin kung may ibubuga. More than a year in the making at sa wakas, matutuloy din ang much-awaited IBF Super Flyweight title defense ni Ancajas kontra sa mandatory challenger nitong si Jonathan Titan Rodriguez. Ang original schedule ng laban ay noon pa sanang Nobyembre 2019 – dahil sa visa issues at pandemic, na-cancel ang bout kaya kailangang tiis-tiis muna at antayin ang tamang pagkakataon. Ang huling laban ni Pretty Boy ay noong pang December 2019 – kung saan pinasuko niya si Miguel Gonzalez ng Chile via 6th round TKO. Samantala si Titan Rodriguez naman ay nakapag- pagpag ng ring rust noong Desyembre 2020 at tinalo via 1st round knock out ang kababayang si Julian Yedras. Kung ikukumpara natin ang mga numero ng dalawang boksingero, Si Ancajas ay may 32 wins with 22 knockouts 1 talo at 2 draw. Si Rodriguez naman ay may 22 wins, 16 by knockout at meron ding isang talo. Kung knockout rate ang pag-uusapan – si Jerwin ay may 68.75% knock-out rate samantalang si Rodriguez ay may 72.7% na mas mataas ng bahagya sa pinoy champ. Pero pag mga nakalabang quality fighters na ang pag-uusapan, iba ang experience ni Ancajas. Ito na ang pang-siyam na title defense ni Jerwin mula ng makuha ang IBF crown kay McJoe Arroyo noong 2016. Samantalang ito naman ang unang pagkakataon ni Rodriguez na lumaban sa isang major world title. Kung usapang talo naman, nadungisan ang record ni Jerwin via Majority decision sa kapwa pinoy na si Mark Anthony Geraldo noong 2012, at split decision naman ang talo ni Rodriguez sa kapwa mehikanong si Jose Martin Estrada Garcia. Ayon naman sa mga numero ng boxing experts – lyamado ang pinoy southpaw. Ito ang magiging kauna-unahang laban ni Ancajas sa ilalim ng Premier Boxing Champions. At kung maging impresibo ang panalo ni Ancajas, tiyak na magbubukas ito ng magandang oportunidad sa posbileng unification bout kina – Kazuto Ioka na may hawak ng WBO belt o kay Juan Francisco Estrada na may hawak ng WBC at WBA super flyweight belts. KAunting tulog na lang, magkaka alaman na kaya – antay antay lang tayo. Naisingit din bilang undercard ang undefeated na alaga ng MP Promotions na si Mark Magnifico Magsayo. Marami ang nagsabi na hindi impresibo daw ang ang unang laban ni Magsayo sa PBC. Kahit na nanalo via split decision kontra kay Rigoberto Hermocillo, mukhang kinalawang si Magsayo sa mahigit isang taong lay-off. At sa knayang ikalawang laban sa PBC – alam ni Magsayo na kailangan niyang magpakitang gilas para makalaro sa isang title fight sa hinaharap. Makakalaban ni Magsayo si Pablo Cruz na may kartadang 21 wins with 6 knockouts at may 3 talo. Itataya naman ni Magnifico ang kanyang undefeated record na 21 wins with 14 knockouts at may knockout percentage na 67%. Hindi naman daw isina isangtabi ang kalaban na mukhang na-scout na nilang mabuti. Bueno, kapana-panabik ang laban ng dalawang pinoy na ito. Tiyak na kahit paano e, maiibsan ng kanilang panalo ang lungkot na dala ng pandemya. #prettyboy #magnifico