Sitsiritsit, Alibangbang (𝘗𝘪𝘭𝘪𝘰𝘴𝘵𝘪𝘨𝘮𝘢 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘳𝘪𝘤𝘶𝘮) – a Philippine Native Tree!

Sitsiritsit, Alibangbang (𝘗𝘪𝘭𝘪𝘰𝘴𝘵𝘪𝘨𝘮𝘢 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘳𝘪𝘤𝘶𝘮) – a Philippine Native Tree!

Alibangbang (Piliostigma malabaricum) Ito ang mga dahon ng Alibangbang, isang Philippine Native Tree! May scientific name na Piliostigma malabaricum, ang Alibangbang ay native sa Pilipinas, sa iba pang bahagi ng Tropical Asia, at sa Australia. Ilan pa sa local names ng Alibangbang ay Bambang at Kulibangbang na siyang local terms din para sa butterfly o paru-paro. Remember ang sitsirit alibangbang? Butterfly ang tinutukoy doon sa kanta. Makikita natin na ang mga dahon nitong punong Alibangbang ay kahawig ng mga pakpak ng insektong Alibangbang. The best part? Edible ito! Isa ito sa mga tradisyonal na pampaasim dito sa Pilipinas. [tikman] May iba pang halaman na tinatawag ding Alibangbang. Ilan dito ay ang mga species ng Bauhinia na may mas malalaking bulaklak at ang iba pa nga ay ginagamit pang landscape. Yung mga purple na bulaklak ay hindi native. Tapos meron namang puti na bulaklak, iyong Bauhinia acuminata, na native din sa atin. Isa paraan para maidentify itong Alibangbang na may maasim na dahon, bukod sa tikman ang dahon at sa maliliit na bulaklak – ay ang kanyang mga tangkay. Itong stalks at petiole. Mamula-mula ang mga ito. #philippinebiodiversity