Hi Guys This is Roanniiee and Welcome to Gems Delights Baking diary :) Ang dami kong nakikita sa facebook na nasisiraan ng cupcakes upon delivery or kaya naman nanghihingi ng tips kung paano nga ba maideliver yung cupcakes gamit ang ibat ibang delivery apps ng hindi nasisira, so naisipan ko na ishare sa inyo ang aking hack na nakapasimple and super effective. I call it the BBQ stick Hack (well wala lang talaga akong matawag kaya yan na lang) :D. Sa video makikita niyo kung paano ko siya ginawa. Sobrang effective niyan guys simula nung ginawa ko yan never na akong nasiraan ng cupcakes upon delivery - take note laging Motor ang ginagamit sa pagdeliver (Mr speedy, Lalamove, Grab) and umaabot yung cupcakes namin from Novaliches QC to Malabon, Cubao and Manila ng hindi "tumatambling :D" or nasisira. So cyempre may mga reminders and other tips din na kailangan tandaan 1. Make sure na yung ibobook na courier ay may Motor Box, Insulated Box, bag - sa Mr Speedy may option dun na Motor Box may additional fee nga lang. Sa grab naman may option din dun na Grab (bagged) 2. Make sure na chilled yung cupcakes and frosting - kahit naman sa cake dapat laging chilled para hindi agad matunaw. 3. Wag niyo kalimutan iremind si customer na naglagay kayo ng support sa cupcakes and magbigay na din kayo ng instructions kung paano tatanggalin ung mga sticks. 4. Maganda kung tatanungin niyo si customer kung gusto ba nila ng additional liners. Since maglalagay ka ng sticks cyempre yung original liners ay magkakabutas na. So para presentable pa din tignan sa pictures nila maganda offeran mo sila ng Liners. Ako I give it for free. Additional Cost? Yes, atleast safe naman nakarating diba :') 5. ALWAYS remind si Kuya Rider na ingatan yung cupcakes, cyempre kahit may support yan importante pa din na ingatan yung cupcakes or any baked goodies upon delivery :) Yun lang sana makatulong ito ;) Anyway May changes pala akong ginawa sa paguupload ko ng videos 1. Tagalog na lahat ng description ko - ang hirap kaya mag english :D and may nakakapagexplain ako ng maayos pag tagalog 2. Mag vo-voice over na ako sa mga videos ko - ang hirap kaya magedit ng subtitles :) Thank for Watching Don't forget to like and subscribe and visit us on our social media accounts for more baked goodies :') FB Page: Gems Delights Bakeshop- / gemsdelightsbakeshop IG Accnt: @gemsdelightsbakeshop