It’s Showtime May 17, 2025 | Full Episode

It’s Showtime May 17, 2025 | Full Episode

What hafen, Madlang People? No to crying again today, dahil bago pa man ang Sabado night party, nauna na ang hapi-hapi sa tanghalian with the Showtime family. Feel na feel ang good vibes with the cast of “Delia D.,” ang musical show featuring the songs of Jonathan Manalo, na dumalaw rin sa studio para suportahan ang cast. No dull moment din sa kuwentuhan with Joyce and Tine, ang mag-besties na ready to ‘Step In The Name of Love.’ Buhay na buhay naman ang entablado sa KanTapatan nina Danica Hipos at Gerlie Frias. No dull moment when they’re together. Kaya ang ‘Step of the Name of Love,’ naging very alive sa mga kuwento ni Joyce and her hype bestie Tine. Lahat ng raket ay pinasok na nila, pati pagiging kasambahay at labandera, kaya mas tumibay ang bond ng dalawa. Maalaga at magaling mag-advice–ganyan kung ilarawan ni Tine ang BFF na si Joyce. Eh, sino ba naman ang hindi mapapa-step up sa babaeng caring? Pero, ang mga hakbangers, shookt malala nang ibuking ni Tine ang kakaibang ginagawa ni Joyce sa pagsisipilyo ng ngipin. Minsan daw ay gumagamit ito ng shampoo sa pagto-toothbruh ‘pag walang available na toothpaste. Alamin ang naging reaksyon ng mga hakbangers! May napa-step down sa round 2 kung saan finlex ni Tine ang strict religious beliefs ni Joyce. Mabuti nga namang maaga pa lang ay mailatag na ang mga pagkakaiba, bago pa maging dahilan ng ‘di pagkakasunduan in the long run. At sa hinaba-haba man ng pagkilatis, isang ginoo ang bumihag sa puso ng miss. Isa kina Cinco (dancer), Melvin (sales associate), at Aleck (student) ang naging ultimate choice bilang ka-date ni Joyce. Buhay na buhay ang entablado ng “Tawag Ng Tanghalan Year 9” sa KanTapatan ng kampeon at ng humamon. Matindi ang kagustuhan na mapanatili sa mga kamay niya ang kampeonato, kaya pagkanta ni Gerlie Frias ay itinodo. Pero naging honest si hurado Erik Santos, na napansin ang shaky verses sa “I Have Nothing” ni Gerlie. OPM classic na “Anak,” inawit ni Danica Hipos. Komento ni hurado Jed Madela, double-edged sword ang pagpili ng isang popular na kanta, dahlil madali itong makakuha ng atensyon ng tao, pero madaling mapansin ‘pag ika’y nagkamali. Buti na lang, sa performance ni Danica, walang naging problema dahil consistent ang vocal prowess niya sa buong kanta. Si Danica ang nakakuha ng mas mataas na score (93.7%) at tinanghal na bagong kampeon. Hindi naman contestant, pero si Jackie Gonzaga, bet din kumanta. At si Punong Hurado Ogie Alcasid pa ang nagkomento. Aniya, maganda, as in maganda si Jackie and her OOTD. Pagdating sa boses, getting there. Si ‘Ate Girl’ Jackie, ptikim pa lang ang pinakitang galing, pero malamang, Regine Velasquez is shaking. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEp #ABSCBNEntertainment