We love you, Sabado! Dahil weekend na, i-celebrate ang naging hard work mo sa isa na namang nagdaan na linggo. Maki-celebrate rin with the ‘Showtime’ family dahil birthday ni Darren Espanto, ang paborito nating bestie. Siya ang may kaarawan pero si Darren pa ang may regalong fun kantahan at sayawan, At mukhang si Jackie Gonzaga naman ang isa sa pinaka-happy dahil na-meet niya ang mommy at kapatid ni Darren na bumisita sa “It’s Showtime” studio. Kung DaCkie fan ka, para sa’yo ang araw na ‘to dahil sa cute moments na siguradong magpapakilig sa’yo! Sabi nila, sa pag-ibig, hindi mahalaga ang panlabas na kaaanyuan. True naman, ‘di ba? But for Matchmate Rina, may isa lang siyang non-negotiable pagdating sa pormahan ng mga lalaki–ayaw niya ng naka-skinny jeans, mga mhie! And no-no rin sa mga jejemon, lalo na ‘yung jeje-spelling sa text. Well, hindi naman ‘yan naging dahilan para bumaba sina hakbangers Jaime (fresh grad), Khael (DJ), at Jafi (wire sculptor). Mas na-appreciate naman nila ang pagiging outgoing and spontaneous ni Rina. Pati ‘yung minsan nitong pagkalasing sa bar ay hindi nag-iwan ng negative impression sa mga binata. ‘Yun nga lang, nag-iba ang ihip ng hangin nang makita nila ang larawan ni Rina. Sina Jaime at Khael ay bumaba, samantalang si Jafi ay nanindigan at umakyat ng hagdan. At sa huli, siya nga ang pinili ni Rina na maka-date. Kung sa “Step In The Name of Love” ay umakyat ang mga hakbangers sa hagdan ng pag-big, sa “Tawag Ng Tanghalan Year 9” naman, goal din ang makaakyat ng entablado. Nagbabalik si daily winner Jianne Nadala, dala-dala ang malaking pangarap at ang awiting “Ikaw” sa tanghalan. Inilarawan ni hurado Mark Bautista na “sweet” ang boses ng contender from Cebu City. ‘Yun nga lang, may part daw na kinabahan si Jianne. Sa iba pang usapan, nabanggit ni Jianne na ikakasal na siya sa June. Eh, ‘di mag-practice tayo ng bridal march. Si Darren ang groom, si MC ang parent of the bride, at si Teddy Corpuz ang wedding singer. At si Jackie naman ang kunwaring ex-minamahal na susugod sa simbahan at sisigaw ng, “Itigil ang kasal!” And, cut! Sa sumunod na eksena, si Jackie pa rin ang estudyante ni Jianne, na isang music teacher by profession. Ma-perfect na kaya ni Ate Girl ang intro ng “I Have Nothing?” Pinabilib ni defending champion Almaerra Recentes si hurado Nonoy Zuniga sa “emotional interpretation” niya ng kantang “Ikaw Lang Ang Mamahalin.” Agree naman si Punong Hurado Louie Ocampo, na sinabing binigyan ni Almaerra ng youthful feel ang kanta. Nagtagumpay si Almaerra na depensahan ang kan’yang trono, matapos makakuha ng score na 93.7%, na malaki ang agwat sa 89% ni Jianne. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEp #ABSCBNEntertainment