Hope In The Time Of Coronavirus | #OneHope GMA News TV Trailer, The 700 Club Asia

Hope In The Time Of Coronavirus | #OneHope GMA News TV Trailer, The 700 Club Asia

Sa panahon ng pandemya at kalamidad, likas sa ating mga Pilipino ang magkaisa at magtulungan. At magmula nang magkaroon ng COVID-19, maraming istorya ng bayanihan, pagtutulungan, at pag-abot sa mga nangangailangan ang nasaksihan natin. At sa pamamagitan ng pagkakaisa, naibalik ang ngiti at pag-asa ng ating mga kababayan na labis na naapektuhan. Pero paano nga ba nila naranasan ang pagmamahal ng Diyos sa gitna ng krisis? Ang pagtulong nga ba sa ating kapwa ay bunga ng ating pagmamahal sa Kanya? Samahan mo kami mamaya sa ika-limang gabi ng aming #OneHope LIVE TV special, 11 pm sa GMA News TV, at tunghayan ang iba’t ibang kuwento ng kagalingan, kaligtasan, at pagtutulungan.