Trending ngayon ang dog trail racing sa Shanghai, China kung saan makikita ang fur parents at mga alaga nilang aso na sabay na tinatahak ang off-road obstacle courses. Para sa kalahok na pet owners, hindi lamang ito pangkaraniwang aktibidad dahil mas pinapalakas nito ang bond nila sa kanilang fur babies. Ayon sa founder ng LetsDog na si Chen Yi, mas lalong nagiging patok ngayon ang pet events kaya mas naeengganyo silang mag-organisa ng iba pang dog trail race para sa mga asong katulad ng samoyed at corgi. Paliwanag naman ng founder of research and strategy consultancy ng ApertureChina na si Yaling Jiang, karamihan sa mga Chinese ay walang mga anak. Pinagkakagastusan nila ang kanilang fur babies dahil mga anak na rin ang turing nila sa mga ito. #News5 | via Reuters Follow News5 and stay updated with the latest stories! / news5everywhere / news5ph / news5everywhere / news5everywhere 🌐 https://www.news5.com.ph