LUNGSOD NG LIGAO - Nanatiling kulang ang pondo para sa implementasyon ng Republic Act 10121 O Philippine Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Act of 2010 sa maraming lokal na paaralan, mula sa datos at ulat ni Richard B. Domanico, guro sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM). Ayon sa monitoring report, nakatatanggap lamang ang ilang paaralan at DRRM offices ng humigit-kumulang ₱20,000 kada taon para sa paglilinis, minor repairs, at pag-secure ng mga evacuation areas, isang halaga na itinuturing na mababa kumpara sa pangangailangan para sa komprehensibong disaster preparedness.