Mhot - Salang (LYRICS)

Mhot - Salang (LYRICS)

Ilan na ang panalong inuwi Di na para magkunwari Minsan na rin akong muntikang masawi At natutuklasan pa mga dapat alamin Na nalilikom sa sarili kong mali Kakumpitensya sa laro ang kahit sinong katabi Dami ritong magaling, kasabay kong magpunyagi Ngunit sa t'wing nag-eensayo sa malalim na gabi Dun ko na naririnig ang pinaka mahusay kong katunggali, uh Chorus: Kaliwa't kanan na patugtog Malaking kahang nadagundong Sulitin ang pagkakataong 'to Nakatutok na lahat sayong pagtungtong Kaliwa't kanan na patugtog Malaking kahang nadagundong Sa paghingang mapapabuntong Ibuga mo na rin ang kumpyansa mo Verse 1: Kaba sa dibdib, mabigat na bitbit, sa gitna nakatayo Kasabay ng balahibong nagsisitindig Nakakahindik parang nag-iibang anyo Kapag sinimulan nang bagsakan ang himig at bayo Bahala na silang nakikinig sa pagsalo Hindi ko na alam sinong sang-ayon At hindi sa samu't saring indak Na nakikita ng mata ko, mga ilingan at tango Pakikisalamuhang nakikipagpakiramdaman din nang patago Sa hindi man kakilala o di ko katalo Nakakubli lang ang gigil sa loob na daigin kahit sinong kalahok Kumpulan man sa dami ang mga duda sakin masasabi kong Basta 'di na para bilangin kasi 'pag 'di na matantsa Lalo 'kong ginaganahang ipakita pa ang 'di rin nila sukat akalain Apoy ang kada punto, para sa lahat ng tengang nakatutok Kung may panibugho man o galit, hayaan na matupok Sa ilong na lang nila palabasin ang usok, mm Mga waging tinangay, pagdating sa patagisan naging panabay At matapos kong kunin ang panalo, nakikipag-lamano Pinapakita ko lamang kung pano yung panis, kinamay Repeat chorus Verse 2: Ito'y hindi lang pag-aangas sa tunog Bilang pinagtibay at nagbanat ng buto Ito'y pagpapakita lang ng lakas ng loob Ng nagsunog ng kilay bago magtaas noo Naging hasa at subok na may balanseng natutunan Upang kalkulahin ang katangian ko na lulan Naitalang galing mas higitan at talikuran Kasabay ng harapin din ang sariling pagkukulang Malimit na matumal sa aktibong ehemplo Estudyanteng mahiyain, nakatikom lang pero Potensyal ay sikreto naging ibang klase Pa rin at malikhain sa likod ng kwaderno Sa daming nabuo, nagamit na udyok Alanganin na kutob sinabay saking paglunok Kada mainit na laban, talagang pinagpuyatan Nagsisilbing katunatayang inalay pawis at dugo Mula sa katiting hanggang maging dagsa Gutom at gigil na mas nagningas pa Nung umpisa ay sino 'to? Hanggang gawing paksa Nakasungkit ng titulo, wala pa ring mantsa Sa bilang ng mga waging naitakda Masawi man, may maiiwan pa ring tanda 'pagkat aking marka, nakadikit na sa pangalan Kinilala sa sulat, tila naging lagda Original Video:    • Mhot - Salang (Official Music Video)   No Copyright Infringement Intended All rights and credits for the material used in this video belong to their respective owners. This video is made for educational, entertainment, and informational purposes only. #mhot #rap #trending #Salang