Madalas gumugulo ang isip pag kinalikot na ng sobra pero bawal ang pikon pag sa misyon ay nakatoka Higitan ang liriko ng bawat panibagong obra Kalaban ko lang sarili ko parang Mason at Kosa Kaya eto, patikim.. binahagi ko na tila mahawigang pananim, himayin mo kada linya Para sa mga hiling na baliktaran daw kung pwede Kaya tong bente-kwatro, nilagyan ng kwatro-bente Walang gimik na patutsada sa mga titik at tugma Tipong nakatitig lang sa paligid at walang hilig kumuda ngunit may naka-ipit sa bulsang pag hinithit, alam mo na Sa madaling salita'y tahimik lang pero may ibubuga Walang balak na umayaw di man tanaw kung papasaan Habang yung iba, di makagalaw tunganga sa kaka-abang Panay ang mga kantsaw ng katamaran, asa nalang kasi imbis "kayod-kalabaw", mas uso na daw yung "baka naman" Sige, seryoso muna tayo Sa mga di sumang-ayon saking husay, walang kaso Anong patunay pa bang dapat ibigay sa tao Kung sa daming tagumpay, hinihintay nalang matalo Hindi mo kilala kung sino ang taos puso kasi pag sumikat ka, mahirap magpakasiguro Sa liwanag mong dala, may mga sasakit ang ulo't nasisilaw lang pala yung akala mong saludo --- Tarya - Mhot (Official Lyric Video) • Mhot - Tarya (Visualizer) [prod. by Eversi... Pansamantala - Mhot ft. K-Ram (Official Lyric Video) • Mhot - Pansamantala feat. K-Ram (Official ... Written and Performed by: Mhot - / mhot23 / mhotivatedofficial / mhotivated / thomaslynmuel