FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  Sep 17,  2025. 6a.m

FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. Sep 17, 2025. 6a.m

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins HEALING MASS (I) September 17, 2025 MIYERKULES sa IKA-24 Linggo sa KARANIWANG PANAHON Paggunita kay San Roberto Belarmino, obispo at pantas ng Simbahan Paggunita kay Santa Hildegard of Bingen, dalaga at pantas ng Simbahan Twenty-Fourth Week || Healing Wednesday Mass BANAL NA MISA UNANG PAGBASA 1 Timoteo 3, 14-16 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo Pinakamamahal, malaki ang pag-asa kong magkikita tayo sa lalong madaling panahon. Gayunma’y sinulat ko rin ang mga tagubiling ito upang hindi man ako makarating agad ay malaman mo rin ang dapat ugaliin sa sambahayan ng buhay na Diyos, sa simbahan na siyang haligi at saligan ng katotohonan. Napakahiwaga ng mga katotohanan ng ating relihiyon: Siya’y nahayag nang maging tao, at pinatotohanan ng Espiritu, nakita ng mga anghel. Ipinangaral sa sanlibutan, pinaniwalaan ng lahat, at sa langit ay tinanggap. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6 Gawa’y napakadakila ng Panginoong Lumikha. o kaya: Aleluya. Buong puso siyang pasasalamatan, aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang. Napakadakila ang gawa ng Diyos, pinananabikan ng lahat ng lingkod. Gawa’y napakadakila ng Panginoong Lumikha. Lahat niyang gawa’y dakila at wagas, bukod sa matuwid hindi magwawakas. Hindi inaalis sa ating gunita, na siya’y mabuti’t mahabaging lubha. Gawa’y napakadakila ng Panginoong Lumikha. Sa may pagkatakot pagkai’y sagana; pangako ng Poon ay hindi nasisira. Ipinadama n’ya sa mga hinirang, ang kapangyarihan niyang tinataglay, nang ibigay niya lupa ng dayuhan. Gawa’y napakadakila ng Panginoong Lumikha. ALELUYA Juan 6, 63k. 68k Aleluya! Aleluya! Espiritung bumubuhay ang Salita mo, Maykapal, buhay mo ang tinataglay. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 7, 31-35 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ng Panginoon, “Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? At ano ang nakakatulad nila? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro: ‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis! Sapagkat naparito si Juan Bautista na nag-aayuno at hindi umiinom ng alak, at sinasabi ninyo, ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ Naparito naman ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom tulad ng iba, at sinasabi ninyo, ‘Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at maglalasing, kaibigan ng mga publikano at ng mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang matuwid sa pamamagitan ng kanyang mga anak.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas