Gingoog City, Misamis Oriental, isinailalim na sa state of calamity

Gingoog City, Misamis Oriental, isinailalim na sa state of calamity

Ipinasailalim sa state of calamity ang Gingoog City, Misamis Oriental bunsod ng matinding pag-ulan kung saan may mahigit anim na libong mga Gingoognon ang naapektuhan ng pagbaha. Sa pamamagitan ng sangguniang panlungsod Resolution No. 2022-361 na siya anyang kinalabasan ng Special Session ng 21st City Council na ginanap nitong Disyembre 25, bilang tugon sa hiling ng lokal na pamahalaan sa naranasang kalamidad sa lungsod. Naapektuhan ang mga coastal area na mga barangay tulad ng Anakan, Daanlungsod, Agay-ayan, Lunao, San Luis, Talisay, 13, 16, 17, 18A, 19, 20, 22A, 22, 23, 24, 24A , 25 at iba pa kasama ang mga hinterland barangay. Dinala na sa mga designated evacuation center ang mga naapektuhan. Sa kasalukuyan ay wala namang naitalang casualty sa buong lungsod. ================ We deliver the newest news fast, fresh, clear, and accurate thru our Radyo Agila reporters, correspondents and stringers all over the world. Visit official website: www.radyoagila.com Subscribe to us! Telegram: https://t.me/radyoagila Twitter:   / radyo_agila1062   Instagram: instagram.com/radyoagila YouTube:    / radyoagila1062