Timbog ang siyam na miyembro ng ‘laglag-barya’ gang sa Maynila matapos mambiktima ng isang lalaki na sakay ng SUV. Sila rin ang grupong nanalisi sa mag-asawa sa isang fast food chain sa Angeles, Pampanga. Sa kuha ng CCTV, makikitang huminto ang isang asul na kotse sa harap ng puting SUV sa may Rizal Avenue. Nagsibabaan ang mga sakay nito na pawang miyembro ng ‘laglag-barya’ gang at lumapit sa SUV. Lumapit ang isang lalaki sa driver at tila kinausap ito. Dito na umaksyon ang iba pang kasabwat na binuksan ang pinto sa passenger side at dali-daling kinuha ang isang bag na naglalaman ng P350,000 na pampaopera sana ng biktima. #News5 | via Dave Abuel FULL REPORT: • FRONTLINE SA UMAGA LIVESTREAM | May 31, 2023 RELATED REPORT: Laglag-barya modus ng isang grupo sa Pampanga, sapul sa CCTV • Laglag-barya modus ng isang grupo sa Pampa... Follow News5 and stay updated with the latest stories! Facebook: facebook.com/News5Everywhere Twitter: twitter.com/News5PH Instagram: @news5everywhere Tiktok: / news5everywhere Website: news5.com.ph