7 patay sa flashflood at landslide sa Misamis Occidental

7 patay sa flashflood at landslide sa Misamis Occidental

Umabot na sa pito katao ang nasawi sa nangyaring biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang mga lungsod at bayan sa Misamis Occidental. Kabilang sa mga nasawi ang mag-amang Mario Sambiog, 70 anyos at Elenita Calamian, 43 anyos na kapwa natabunan ng gumuhong lupa sa Purok 3, Barangay Mialen, Oroquieta City. Nangangamba ang mga awtoridad na maaaring tumaas pa ang bilang ng casualties dahil sa lawak ng pinsala kung saan apat na tulay na ang nawasak. Sa Oroquieta City, ipinatutupad na ang forced evacuation sa limang mga barangay kaya dinadala na ang mga evacuees sa limang evacuation centers. Sa bayan ng Tudela, kasama sa mga binaha ay ang Tudela Community Hospital, Tudela Central School at isang gasolinahan sa national highway. Lubog din sa tubig-baha ang maraming lugar sa mga bayan ng Clarin, Sinacaban, Aloran, Panaon, Jimenez at sa lungsod ng Ozamiz. Samantala, napagkaisahan sa isinagawang emergency meeting ng Misamis Occidental PDRRMC na pinamumunuan ni Governor Henry Oaminal na isailalim sa state of calamity ang lalawigan. Magugunitang mula pa nitong Disyembre 21 ay nakararanas na ng mga pag-ulan at nananatili ang yellow rainfall warning sa buong lalawigan. ==================== We deliver the newest news fast, fresh, clear, and accurate thru our Radyo Agila reporters, correspondents and stringers all over the world. Visit official website: www.radyoagila.com Subscribe to us! Telegram: https://t.me/radyoagila Twitter:   / radyo_agila1062   Instagram: instagram.com/radyoagila YouTube:    / radyoagila1062