Kamalayan sa Republic Act No. 11313 Safe Spaces Act o mas kilala sa tawag na Bawal Bastos Law ang lekturang ibinahagi ni Legal Assistant II Maryjoane Casipit - Nicolas sa seminar na inorganisa ni Social Work Practitioner Michaela Pingul na ginanap noong Biyernes, June 17, 2022 sa Daycare Center sa CSAP Lucap. Ito ay dinaluhan ng isang representante sa bawat sambahayan sa kumunidad – Core Shelter Assistance Program o CSAP. Layunin ng seminar na ito na maipabatid sa mga tao ang kanilang mga karapatan laban sa mga pambabastos kahit anupaman ang kanilang kasarian mapa personal man o online.