It’s Showtime July 20, 2026 | Full Episode

It’s Showtime July 20, 2026 | Full Episode

Nagbabalik to birit si ‘Tawag Ng Tanghalan’ champion Lyka Estrella, na tanghaling tapat pa lang ay kasintaas na ng sikat ng araw ang boses. Move, give way dahil ready na to slay sina Lucky Collins, Barbie Bratz Ayuda, at Eysi Vigo sa Resbakulawan wildcard round ng Miss and A. Dahil Resbakulawan, diretso nang sumalang ang tatlo sa Wit Lang round kung saan nasubok agad ang kanilag talino at creativity. Ang Top 2 na sina Lucky at Barbie ay muling nag-face off sa Beklamation kung saan nasubok ang kanilang talak sa tanong na, "Okay lang ba sa'yo kapag jinowa ng best friend mo ang ex mo?" Magkaiba ang saloobin nina Lucky at Barbie, ngunit parehong may punto. Sa dulo, si Barbie ang mas nanlamon sa entablado at wagi sa unang Resbakulawan, matapos makakuha ng score na 9.7 mula kina Max Collins, Ralph de Leon, at Yllana Aduana. Heto pa ang isang pagbabalik. Ang kinagiliwan noon na 'Showtime' kid na si Yorme, napadaan to celebrate his birthday habang nanonood ng It's Showtime. At kahit saglit lang nasilayan, instant throwback feels at good vibes ang hatid niya sa sambayanan. Samantala, kapag may emergency, sila ang umaaksyon at nagbubuwis ng buhay. Ngayong Lunes, energy nila ay rumaragasa sa game arena. Sila ag mga Madlang Rescuers na bumida sa Laro Laro Pick. Pagkatapos ng mga eksenang nakakakiliti sa Act-Song round na You Gotta Lyric, si Chie lang ang naka-survive kaya siya ang umabante sa jackpot round kung saan matapang niyang sinugalan ang P300,000 POT question na, "Anong pangalan ng galaxy ang kinabibilangan ng ating solar system?" Ang tamang sagot ay Milky Way! #ShowtimeActOandA #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment