INSTRUMENTAL: • [INSTRUMENTAL] September 10, 2025 Salmo | ... Melody originally composed by Rolly Ocampo (羅利) for January 30, 2022 Mass | Ika-4 Linggo sa Karaniwang Panahon Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 SALMONG TUGUNAN: Patuloy Kong Isasaysay Ang Dulot Mong Kaligtasan. 1. Sa iyo lang, Panginoon, lubos akong nananalig,/ h’wag mo akong pabayaang mapahiya at malupig;/ tulungan mo ako ngayon yamang ikaw ay matuwid./ Ako sana ay sagipin, sa daing ko ay makinig. (T) SALMONG TUGUNAN: Patuloy Kong Isasaysay Ang Dulot Mong Kaligtasan. 2. Ikaw nawa ang muog ko at ligtas na kakanlungan,/ matatag na kublihan ko at matibay na sanggalang./ Sa lahat ng masasama, O Diyos, ako’y ipaglaban,/ sa kuko ng mababagsik, huwag mo akong pabayaan. (T) SALMONG TUGUNAN: Patuloy Kong Isasaysay Ang Dulot Mong Kaligtasan. 3. Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa,/ maliit pang bata ako, sa iyo’y may tiwala na;/ sa simula at mula pa wala akong inasahang/ mag-iingat sa sarili, kundi tanging ikaw lamang;/ kaya naman ikaw, Poon, pupurihin araw-araw. (T) SALMONG TUGUNAN: Patuloy Kong Isasaysay Ang Dulot Mong Kaligtasan. 4. Pagkat ikaw ay dakila, patuloy kong isasaysay,/ maghapon kong ihahayag ang dulot mong kaligtasan:/ Sapul pa sa pagkabata ako’y iyong tinuruan,/ hanggang ngayo’y sinasambit ang gawa mong hinangaan. (T) SALMONG TUGUNAN: Patuloy Kong Isasaysay Ang Dulot Mong Kaligtasan.