FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  Aug 14,  2025. 6a.m

FILIPINO HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. Aug 14, 2025. 6a.m

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins HEALING MASS (I) August 14, 2025 HUWEBES sa IKA-19 Linggo sa KARANIWANG PANAHON Paggunita kay San Maximiliano Maria Kolbe, pari at martir Nineteenth Week || Healing Thursday Mass BANAL NA MISA UNANG PAGBASA Josue 3, 7-10a. 11. 13-17 Pagbasa mula sa aklat ni Josue Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Josue: “Sa araw na ito’y padadakilain kita sa paningin ng buong Israel. Sa ganito makikilala nilang ako’y sumasaiyo, tulad ng ginawa ko kay Moises. Sabihin mo sa mga saserdoteng Levita na magdadala ng Kaban ng Tipan na magtuloy na sila sa Ilog Jordan, ngunit hihinto pagtuntong ninyo sa tubig.” At tinawag ni Josue ang mga tao: “Halikayo at pakinggan ninyo ang ipinasasabi ng Panginoon, ang inyong Diyos.” At sinabi niya sa mga tao: “Dito ninyo malalaman na sumasainyo ang Diyos na buhay. Pagdating ninyo roon, lilipulin niya ang mga Cananeo. Ang Kaban ng Tipan ng Panginoon, ang Panginoon ng sangkalupaan ay mauunang itatawid ng Ilog Jordan. Kapag ang mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan ay tumuntong sa tubig, titigil ng pag-agos ang Ilog Jordan. Ang tubig ay matitipon sa isang lugar sa hulo.” Sa pangunguna ng mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan, umalis ng kampamento ang bayang Israel upang tumawid sa ilog. Malaki ang tubig ng Jordan sa panahon ng tag-ani. Nang sumapit sa Ilog Jordan ang mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan, tumigil ang agos sa hulo, at ang tubig ay natipon sa tapat ng bayan ng Adam, lungsod na nasa tabi ng Sartan. Samantala, ang agos na pababa sa Dagat na Patay, sa Araba, ay nagpatuloy hanggang sa natuyo ang ilog at nakatawid ang buong Israel. Malapit sa Jerico ang kanilang tinawiran. Nanatili sa gitna ng natuyong ilog ang mga saserdoteng may dala ng Kaban ng Tipan, samantalang tumatawid sa ibayo ang buong bayan; tuyo ang nilalakaran nila. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 113 A, 1-2. 3-4. 5-6 Aleluya. Ang bayang Israel sa bansang Egipto’y doon inilabas, nang ang lahing ito sa bansang dayuhan ay pawang lumikas; magmula na noon ang lupaing Juda’y naging dakong banal, at yaong Israel ginawa ng Diyos na sariling bayan. Aleluya. Ang Dagat ng Tambo, nang ito’y makita, ay tumakas na rin, Magkabilang panig ng Ilog ng Jordan, noon ay humimpil. Maging mga bundok, katulad ng tupa, ay pawang nanginig, pati mga burol, nanginig na parang tupang maliliit. Aleluya. Ano ang nangyari, at ikaw, O dagat, wala nang dayuhan? Ikaw naman, Jordan, bakit ang tubig mo’y hindi na dumaloy? Kayong mga bundok, nanginginig kayong tupa ang kapara, at ang mga burol, natakot na parang maliit na tupa? Aleluya. ALELUYA Salmo 118, 135 Aleluya! Aleluya! Poon, iyong pasikatin kagandahan ng loobin ng kabutihan mo sa ‘min. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Mateo 18, 21 – 19, 1 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Noong panahong iyon, lumapit si Pedro at nagtanong kay Hesus, “Panginoon, makailan pong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni Hesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampung milyong piso. Dahil sa siya’y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya. “Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na limandaang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: ‘Magbayad ka ng utang mo!’ Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito’y makabayad. Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila’y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. Kaya’t ipinatawag siya ng hari. ‘Ikaw — napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?’ At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayun din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.” Pagkatapos sabihin ni Hesus ang mga bagay na ito, siya’y umalis sa Galilea at nagtungo sa lupain ng Judea, sa kabila ng Ilog Jordan. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas