Lyrics: Humingang malalim Pumikit na muna At baka sakaling Namamalikmata lang Ba’t nababahala ‘Di ba’t ako’y mag-isa Kala ko’y payapa Boses mo’y tumatawag pa Binaon naman na ang lahat Tinakpan naman na ‘king sugat Ngunit ba’t ba andito pa rin Hirap na ‘kong intindihin Tanging panalangin Lubayan na sana Dahil sa bawat tingin Mukha mo’y nakikita Kahit sa’n man mapunta ay Anino mo’y kumakapit sa ‘king kamay Ako ay dahan-dahang Nililibing nang buhay pa Hindi na makalaya Dinadalaw mo ‘ko bawat gabi Wala mang nakikita Haplos mo’y ramdam pa rin sa dilim Hindi na nananaginip Hindi na ma-makagising Pasindi na ng ilaw Minumulto na ‘ko ng damdamin ko Ng damdamin ko Hindi mo ba ako lilisanin Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa ‘kin Hindi na ba ma-mamayapa ‘Di na ba ma-mamayapa Hindi na makalaya Dinadalaw mo ‘ko bawat gabi Wala mang nakikita Haplos mo’y ramdam pa rin sa dilim Hindi na nananaginip Hindi na ma-makagising Pasindi na ng ilaw Minumulto na ‘ko ng damdamin ko Ng damdamin ko Hindi mo ba ako lilisanin (Makalaya) Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa ’kin (Dinadalaw mo ‘ko bawat gabi) Hindii na ba ma-mamayapa (Wala mang nakikita) Hindii na ba ma-mamayapa (Haplos mo’y ramdam pa rin sa dilim)