Parish and National Shrine of St. Padre Pio CATHOLIC MASS TODAY LIVE HEALING MASS (I|) April 4, 2022 SEMANA SANTA - SABADO sa IKA-ANIM na LINGGO ng KUWARESMA || Healing Mass BANAL NA MISA. Online Mass Filipino Live Mass | UNANG PAGBASA Isaias 52, 13 – 53, 12 Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Isaias Sinabi ng Panginoon, “Ang lingkod ko’y magtatagumpay sa kanyang gawain, mababantog siya at dadakilain. Marami ang nagitla nang siya’y makita, dahil sa pagkabugbog sa kanya’y halos di makilala kung siya’y tao. Ngayo’y marami rin ang mga bansang magugulantang; pati mga hari pag siya’y nakita ay matitigilan, makikita nila ang di nabalita kahit na kailan, at mauunawa ang di pa narinig ninuman!” Sagot ng mga tao, “Sino ang maniniwala sa ibinabalita naming ito? Sino ang makapagpapatunay na pinahihintulutan ito ng Panginoon? Kalooban ng Panginoon na ang kanyang lingkod ay matulad sa isang halamang natanim sa tuyong lupa, walang katangian o kagandahang makatawag-pansin, wala siyang taglay na pang-akit para lapitan siya. Hinamak siya ng mga tao at itinakwil. Nagdanas siya ng sakit at hirap. Wala man lang nagtapon ng sulyap sa kanya. Hindi natin siya pinansin, para siyang walang kabuluhan. Tiniis niya ang hirap na tayo ang dapat magbata, gayon din ang kirot na tayo sana ang lumasap; akala natin ang dinanas niya’y parusa sa kanya ng Diyos. Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap. Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit inibig ng Panginoon na sa kanya ipataw ang parusang tayo ang dapat tumanggap. Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit di tumutol kahit kamunti man; tulad ay korderong hatid sa patayan, parang mga tupang hindi tumututol kahit na gupitan, ni hindi umimik kahit gaputok man. Nang siya’y hulihin, hatulan at dalhin sa dakong patayan, wala mang nangahas na ipagsanggalang, wala man lang dumamay. Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan. Siya’y inilibing na kasama ng masasama at mayayaman, bagaman wala siyang kasalanan o nagsabi man ng kasinungalingan. Sinabi ng Panginoon, “Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko: inihandog niya ang sarili upang sa pamamagitan noon ay magkaroon ng kapatawaran. Dahil dito’y mabubuhay siya nang matagal, makikita ang lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan niya’y maisasagawa ang aking panukala. Pagkatapos ng pagdurusa, lalasap siya ng ligaya, malalaman niyang hindi nawalan ng kabuluhan ang kanyang pagtitiis. Ang aking tapat na lingkod at lubos kong kinalulugdan ang siyang tatanggap sa parusa ng marami at alang-alang sa kanya sila’y aking patatawarin. Dahil dito siya’y aking pararangalan, kasama ng mga dakila; pagkat kusang-loob niyang ibinigay ang sarili At nilasap ang kaparusahan ng masasama. Inako niya ang mga makasalanan at idinalanging sila’y patawarin.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25 Ama, sa mga kamay mo habilin ko ang buhay ko. Sa iyo, O Poon, ako’y lumalapit upang ingatan mo, nang hindi malupig; sa mga kamay mo habilin ko’y buhay ko Tagapagligtas kong tapat at totoo. Ama, sa mga kamay mo habilin ko ang buhay ko. Lahat kong kaaway ay humahalakhak, pati kapitbahay ako’y hinahamak; dating kakilala ay nagsisiilag, kung masalubong ko ay nagsisiiwas. Nilimot na aking tulad ng namatay, di na pinapansin, parang yagit lamang. Subalit, O Poon, ang aking tiwala ay nasasaiyo, Diyos na dakila! Sa iyong kalinga, umaasa ako, laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo; at sa umuusig na sinumang tao. Itong iyong lingkod, sana ay lingapin, ingatan mo ako’t iyong pagpalain; iligtas mo ako at iyong sagipin, tanda ng pag-ibig na di nagmamaliw! O magpakatatag ang mga nilikha, lahat ng sa Poon ay nagtitiwala. IKALAWANG PAGBASA Hebreo 4, 14-16; 5, 7-9 Mga kapatid: Magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, yamang mayroon tayong dakilang saserdote na pumasok sa kalangitan sa harapan ng Diyos, walang iba kundi si Hesus na Anak ng Diyos. Ang dakilang saserdote nating ito ay nakauunawa sa ating mga kahinaan sapagkat sa lahat ng paraa’y tinukso siyang tulad natin, ngunit hindi nagkasala. Kaya’t huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos, at doo’y kakamtan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito. Noong si Hesus ay namumuhay dito sa lupa, siya’y dumalangin at lumuluhang sumamo sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya dahil sa lubusan siyang nagpakumbaba. Bagamat siya’y Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis. At nang maganap na niya ito, siya’y naging walang hanggang Tagapagligtas ng lahat ng sumusunod sa kanya. MABUTING BALITA Juan 18, 1 – 19, 42 #onlinemass #livestreammass #padrepiomass #FilipinoLiveMass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas