Narito ang mga nangungunang balita ngayong January 16, 2026 CDRRMO: 26, nasawi sa pagguho ng landfill sa Brgy. Binaliw sa Cebu City; 10, pinaghahanap pa rin | Day 9 ng paghahanap sa mga nawawala kasunod ng gumuhong landfill sa Brgy. Binaliw | Operasyon sa gumuhong landfill, suspendido dahil sa masamang panahon ayon sa BFP PBBM, tiniyak ang tulong sa mga naulila ng nasawi sa gumuhong landfill sa Brgy. Binaliw DOJ: State witnesses na sina Henry Alcantara, Roberto Bernardo, Gerard Opulencia, at Sally Santos | DOJ: 4 na state witnesses, hindi lusot sa lahat ng kaso kaugnay sa flood control projects | DOJ: Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, hindi nakapasok bilang state witness | Ombudsman Remulla, pinuna ang abogado ni Sen. Villanueva dahil sa pagpapakalat umano ng maling impormasyong na babawiin ni Alcantara ang salaysay niya | Panibagong mga kaso kaugnay sa flood control projects, balak isampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan ngayon o sa Lunes | Abogado ni Sen. Villanueva, tumanggi munang magkomento sa puna sa kaniya ni Ombudsman Remulla Ilang taga-Guinobatan, lumikas bilang pag-iingat sa epekto ng Bagyong Ada | Signal Number 1, nakataas sa Albay dahil sa Bagyong Ada; bawal bumiyahe ang mga sasakyang pandagat | PHIVOLCS: Posibleng umagos ang lahar mula sa Bulkang Mayon dahil sa ulang dala ng Bagyong Ada DOTr: Free Wi-Fi, inilagay sa 17 EDSA Busway stations; DICT, sinisigurong secured ang connection Fluvial procession at iba pang aktibidad sa Sinulog 2026, tuloy ngayong weekend sa gitna ng banta ng Bagyong Ada | Mga motorbanca, hindi na papayagang makapasok sa Mactan Channel para sumabay sa galleon para iwas-aksidente | Mga barko, hindi muna papayagang makapaglayag at makapagdaong sa mga port area ng Cebu simula ngayong araw hanggang Jan. 17 Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.