#philstarnews #pagasaweatherupdate May binabantayang low pressure area (LPA) ang PAGASA ngayong araw, Hunyo 30, na nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Huli itong namataan sa layong 1,230 kilometro silangan ng Central Luzon. Ayon sa PAGASA, nananatiling mababa ang tsansa nitong maging bagyo sa loob ng susunod na 24 oras. Samantala, asahan ang maulap na papawirin at mga pag-ulan sa Visayas, Mindanao, Central at Southern Luzon, pati na rin sa Metro Manila, bunsod ng pinagsamang epekto ng trough ng LPA at southwest monsoon o habagat. Video by DOST-PAGASA