PULSO: A MIXTAPE " translating emotion into your music " Title Isipan Composed Regie Valdez Mix and Mastered by - Benedict sy https://open.spotify.com/artist/6nppj... Produced by - BTDTbeats / btdtbeats / btdtbeats Cover Art: Grove Fridays / grovefridaysph / @grovefridaystv9053 FOLLOW FOLLOW ARVY T - YOUTUBE : https://www.youtube.com/channel/UC5Fv... FACEBOOK : / regievldzart SPOTIFY : https://open.spotify.com/artist/5E1t9. Isipan Lyrics: Minsan napapaisip Habang tamang tulala ako sa gilid Parang may mali na sa mundo dahil ang Kasiyahan ay bulag na para sakin Di na magawang sumilip Ang araw ay parang kinukumutan Pati liwanag ay gusto na rin akong sukuan Nilalamon lang ba ng sariling kalungkutan Busog sa sariling drama Puso'y di na masubuan. lahat nalang hindi na napupusuan Dahil sa hinaharap may di na ko natututukan Sukuan nalang kaya ayoko ng tumaya Ganun din naman lagi nalang akong talo Taob sa bangka Pero Minsan napapaisip din ano kaya kung umalis ako sa gilid. Baka kasi sadyang ako lang ang syang bulag Sa kasiyahang sumisilip Kaya sumisingit sa isip na ako ay malungkot Kasi yun lang ang laging iniisip Ano kaya kung ako ay lumingon Baka sakaling makita ang halaga ng na saking paligid Kasi nga Makulay ang mundo Yung ang totoo Tulak sa pinto Takasan ang pagkalito Hanapin ang liwanag lumabas ka at lumakad Pumiglas man ang isang libong kaibigan may isa dyan na handang yumakap Para sabihin na wag mong ikulong ang sarili sa kalungkutan Ito ang susi Tanggapin mo nakuha ko yan sa isip mo Pinapasabi nya, sige buksan mo Mag isip lang ng nakakabuti