Laro Laro Pick: The Showtime kids are back! | It's Showtime | December 20, 2025

Laro Laro Pick: The Showtime kids are back! | It's Showtime | December 20, 2025

Mas ramdam talaga ang Pasko kapag mga bata ang nag-share ng kanilang Christmas wishes na galing sa puso. At ramdam ang fun dahil sa no-filter nilang kulitan moments at mga sagutan. Ang unica hija ni Jhong Hilario na si Sarina ang pinakabata sa grupo. Pero kahit siya ang pinakamaliit, hindi dapat 'ismolin' ang kanyang talent at nakakatuwang mga hirit. 'Yun nga lang, nang tanungin siya kung pogi ang tatay niya, nakakatawang na-speechless si Sarina. But her face said it all! Ang cute mo, Sarina, so adorable! Ipinakilala naman Vice Ganda bilang special guest co-host para sa episode si Lucas Andalio, ang pamangkin ng aktres na si Loisa Andalio at gumaganap na 'anak' ni Mother Twinkle (Vice Ganda) sa MMFF movie "Call Me Mother." Bukod sa potential sa hosting, ibinida ni Vice ang husay ni Lucas sa pag-arte. At pinatunayan 'yan ni Lucas nang hingan ng sample ng paborito niyang eksena. Pero hindi rin nagpahuli ang pambato ng mga 'Batang Cute-po', si Kulot na game rin sa aktingan challenge! Pinangiti rin tayo ni Kelsey, na hindi maitago ang kilig kina Lucas at Argus. Naglaro rin ang iba pang Showtime kids na sina Jaze, Enicka, Ayesha at Briseis. Si Imogen naman ang leader sa kantahan sa 'You Gotta Lyric.’ Confirmed! Sabi nga ni Vice Ganda, may bitbit na suwerte si Ayesha. Siya ang umabante sa jackpot round, kung saan kinaaliwan ang ‘tawaran’ portion nila ni Lucas Andalio, ang guest co-host of the day. Pero ang totoo, Team POT din talaga si Lucas, katulad ng lahat ng bata sa studio. Kaya sa POT question, si Ayesha ay forda go. Lucky talaga si bagets dahil nasagot niya nang tama ang P100k POT question tungkol sa isang ‘Disney Princess.’ So adorable and pure talaga ni Ayesa, na naging emosyonal sa pagkakapanalo niya! At ang wish niya this Christmas? Happiness! Aww. Parang rollercoaster ride ang takbo ng weekly finals ng “TNT Duets 2” nitong Sabado. Nauna sa pilahan ng tanghalan ang young contenders na sina Shawn Hendrix Agustin at Clet Nicole Fiegalan. Komento ni hurado Jed Madela sa kanilang rendition ng “Ikaw ang Aking Mahal” ni Regine Velasquez, malinis naman ang pagkakakanta, ngunit hinanapan niya ng puso, na naiintindihan ni Jed dahil masyado pang bata ang duo. Sabi ni Jed, with more experience ay matututunan nina Shawn at Clet how to sing with the right emotions. “Power” by Little Mix naman ang kinanta nina Ruelagin Tandong at Janelle Napacruz. Hindi merry ang ending para sa kanilang duo dahil humudyat ng ‘gong’ ang mga hurado. Ipinaliwanag ni hurado Jonathan Manalo na sa sobrang pagbibigay ng ‘power’ ay nagiging sharp ang mga nota. Muntik na ring ma-gong sina Hope Sebial at Leann Joy Layague, na kinanata ang “I Surrender,” kaya lahat ay kinabahan na parang nakasakay sa rollercoaster. Kung kinabahan ang mga hurados sa mga naunang pagtatanghal, na-enjoy naman nila ang vibe ng ‘What’s Up’ performance nina Jhon Padua at Judy Lou Benitez. Sabi ni hurado Jed, the two went extra pero sakto lang ang timpla. “May balance kayo in a sense na you support each other at walang nanlalamang.” Katulad nina Jhon at Judy Lou, nakatanggap rin ng standing ovation sina Ian Manibale at Jezza Quiogue, na pinakilig ang lahat sa pag-awit ng “Kung ‘Di Rin Lang Ikaw.” “Galing sa kaluluwa” kung ilarawan ni Jed ang pagtatanghal. Sabi naman ni hurado Erik Santos, they reminded him of JM Dela Cerna and Marielle Montellano a.k.a. JMielle. Sa huli, ang duos nina Jhon at Jody Lou, at Ian at Jezza ang itinanghal na weekly winners. #ItsShowtime #Showtime #ItsShowtimeNa