Nobyembre 8, 2020 - San Lorenzo Ruiz Parish Online Sunday Mass - Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon

Nobyembre 8, 2020 - San Lorenzo Ruiz Parish Online Sunday Mass - Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon

Ang Katalinuhang Maging Handa sa Pagdating ng Panginoon Tayo ay nagdiriwang ng Ikatatlumpu’t Dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon. Malapit nang magtapos ang Taon ng Simbahan. Ang ating mga pagbasa ay nakatuon sa pagiging matalino sa buhay na ito. Ang talagang matalino ay ang laging handa para sa pagdating ng Panginoon sa wakas ng panahon. Wala talagang nakababatid kung kailan darating ang Panginoon. Ang pagiging handa ay ipinakikita sa pagkakaroon ng mga ilawang laging nagniningas. Ang langis sa ilawan ay sagisag ng mabubuting gawa. Ang liwanag na isinasaboy nito ay ang dalisay na pag-ibig. Ang tunay na matalinong alagad ay pinupuno ang kanyang buhay ng mabubuting gawa para sa kapwa upang mamalas ng lahat ang tindi ng kanyang pagmamahal sa Diyos. Tulungan sana tayo ng banal na Eukaristiyang lumago sa katalinuhang kinakailangan para makasalubong sa Panginoon kailan man siya dumating. _________________________________________________________________________ Visit our facebook page at:   / sanlorenzoruizparish   For FREE Activity Sheets and Learning Tools for Catholic Kids, please visit: https://www.katolago.com/ Thank you for supporting San Lorenzo Ruiz Parish. For your love offerings and donations, please visit: https://sanlorenzoruizparish.com/donate/