Matangkad, agresibo at maraming galaw sa loob. Sya ang nagbago sa center position sa PBA. Balikan natin ang prime days ni The Skyscraper Marlou Aquino. Marami na sa atin ang hindi na nakaka tanda kung gano ka lakas si Marlou. Ang nakita na lang natin sa kanya ay ang mabagal na kilos nya sa Santa Lucia at Meralco. Pero bago abutan ng edad si Marlou. Nagpasiklab muna si sya noong kabataan nya sa Ginebra. Kung saan sya ang hinirang na Rookie of Year noong 1996. Ibang klase ang isang batang Marlou Aquino noon. First time maka kita ng pinoy fans na ganun katangkad pero merong galaw sa loob at may mataas na basketball IQ. Kasama nya noon si Ej Fiel sa Ginebra kong saan binuo nila ang original Twin Tower. At ang naging ka one two punch nyang si Bal David, kung saan tinawag naman silang David at Goliath tandem. Si Bal David sa labas.. si Marlou Aquino sa loob. Kaya naman pina-champion nila ang Ginebra noong 1997 Commisioners Cup!Kung saan ginawaran ng Finals MVP si Marlou Aquino. Pero hindi lang pang PBA si Marlou. Pinakita din nya ang gilas nya ng mapasama sya 1998 Centenial team, na binubuo ng mga PBA Superstars tulad Alvin Patrimonio, Johny A, Abarientos, Caidic at iba pang bagitang players. Dito pinakita ni Marlou na kayang kaya nya makipag sabayan sa mga bigman na kaseng tangkad nya. Idagdag mo pa ang mala halimaw nyang timing sa pag supalpal ng bola. Kaya noong 1996, hinirang syang Rookie of the year at Defensive Player of the year noon 1996, pati na rin noong 1997. Hindi man natin naabutan ang young Marlou Aquino. Anjan ang anak nyang si Matthew, isang 6'9 big, na magpapatuloy sa legacy ng kanyang ama na maituturing na alamat sa Philippine Basketball. Mga chong, pasensya na! Mejo natagalan tayo sa ating upload pero naging busy sa trabaho. Pero dadalasan natin aim natin once a week. Isang video. Thank you. Adios!