Catholic Church Live Sunday Mass Today October 26, 2025 Live Online Mass Rev Fr Douglas Badong, Parish Priest October 26 Featured Playback . Banal na Misa IKA-30 LINGGO sa Karaniwang Panahon (K) 30th Sunday in Ordinary Time. Filipino Sunday Mass ALELUYA 2 Corinto 5, 19 Aleluya! Aleluya! Pinagkasundo ni Kristo ang Diyos at mga tao; kaya’t napatawad tayo. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 18, 9-14 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus ang talinghagang ito sa mga taong ang tingin sa sarili’y matuwid at humahamak naman sa iba. “May dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: ang isa’y Pariseo at ang isa nama’y publikano. Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba – mga magnanakaw, mga magdaraya, mga mangangalunya – o kaya’y katulad ng publikanong ito. Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita.’ Samantala, ang publikano’y nakatayo sa malayo, hindi man lamang maktingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’ Sinasabi ko sa inyo: ang lalaking ito’y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon.