HOLY  FILIPINO MASS TODAY || Oct  07  ONLINE MASS  |  REV FR DOUGLAS BADONG

HOLY FILIPINO MASS TODAY || Oct 07 ONLINE MASS | REV FR DOUGLAS BADONG

Catholic Church Mass Today Oct0ber 07, 2025 Playback Online Mass Rev Fr Douglas Badong, Parish Priest Oktubre 7 Featured Playback . Banal na Misa Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) 27th Week in Ordinary Time. ALELUYA Lucas 11, 28 Aleluya! Aleluya! Mapalad ang sumusunod sa salitang buhat sa D’yos at namumuhay nang angkop. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Lucas 10, 38-42 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta sa tahanan nito. Ang babaing ito’y may isang kapatid na Maria ang pangalan. Naupo ito sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo. Alalang-alala si Marta sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kaya’t lumapit siya kay Hesus at ang wika, “Panginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong tulungan naman ako.” Ngunit sinagot siya ng Panginoon, “Marta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at ito’y hindi aalisin sa kanya.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Viva Nuestro Padre Jesus Nazareno!