300 Pinoy Lumikas sa Sudan, Stranded sa Egypt Border | Kidlat News Update (April 26, 2023 8PM)

300 Pinoy Lumikas sa Sudan, Stranded sa Egypt Border | Kidlat News Update (April 26, 2023 8PM)

Aabot sa tatlong daan mga Pilipino ang lumikas mula sa Sudan. Sa ulat ng Inquirer.net, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary For Migrant Workers Eduardo De Vega na sakay ang mga Pilipino ng pitong bus na umalis ng Sudan miyerkules ng umaga. Gayunman, sinabi ni De Vega na pinigil ang mga Pilipino papasok sa border ng Egypt sa kakulangan ng dokumento. Bukod sa mahabang proseso bago makapasok sa kalapit na bansa, walang hawak na Egyptian Visas ang mga Pilipino habang ang iba ay walang passport at perang pambayad sa exit at entry fees. Nagkukumahog sa paglikas ang mga Pilipino at ibang nationality upang samantalahin ang ipinaiiral na 72 hours ceasefire ng magkalabang pwersa sa nasabing bansa. Samantala, kinumpirma rin ng DFA na isang pinoy ang sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala. Kasabay nito, sinabi ng kagawaran na nasa ligtas na kalagayan sa Philippine Ambassador to Egypt Ezzedin Tago matapos masangkot sa aksidente ang sinasakyan nito habang patungo ng Sudan border. Alamin ang detalye ng balitang yan at iba pang NEWS UPDATE mula sa Kidlat News Channel. Ngayon Na! For more great stories, please subscribe to our Youtube channel:    / @greatczarmedia   Like & follow us on Facebook:   / greatczarmediaproductions   #KidlatNewsChannel #Sudan #DFA #Egypt