with LYRICS & CHORDS: • April 13, 2025 Palm Sunday Salmo | Salmo 2... INSTRUMENTAL: • [INSTRUMENTAL] April 13, 2025 Palm Sunday ... Original Composition by: Rolly Ocampo 羅利 Psalmist: Ace Bryan Cabal April 2, 2023 @4pm mass | Linggo ng Palaspas (A) Music Played by: Rolly Ocampo, Jonel Dizon and Jerry Mae Torres Responsorial Psalm by: Himig Pag-asa Choir Sacred Heart of Jesus Church, Zhongli, Taiwan R.O.C. Salmo 21, 8-9. 17-18a. 19-20. 23-24 LYRICS: SALMONG TUGUNAN: D'yos Ko! D'yos Ko! Bakit Naman Ako'y 'Yong Pinabayaan. 1. Bawat taong makakita’y umiiling, nanunukso, / palibak na nagtatawa’t sinasabi ang ganito: / “Nagtiwala siya sa Diyos, ngunit hindi siya pansin, / kung talagang minamahal, bakit hindi intindihin?” (T) SALMONG TUGUNAN: D'yos Ko! D'yos Ko! Bakit Naman Ako'y 'Yong Pinabayaan. 2. May pangkat ng mga buhong na sa aki’y pumaligid, / para akong nasa gitna niyong asong mababangis, / mga kamay ko at paa’y butas sa pakong matulis / ang buto ng katawan ko ay mabibilang sa masid. (T) SALMONG TUGUNAN: D'yos Ko! D'yos Ko! Bakit Naman Ako'y 'Yong Pinabayaan. 3. Pinaghati-hati nila ang damit ko sa katawan, / ang hinubad na tunika’y dinaan sa sapalaran. / H’wag mo akong ulilahin, h’wag talikdan, Panginoon, / O aking Tagapagligtas, bilisan mo ang pagtulong. (T) SALMONG TUGUNAN: D'yos Ko! D'yos Ko! Bakit Naman Ako'y 'Yong Pinabayaan. 4. Ang lahat ng ginawa mo’y ihahayag ko sa lahat, / sa gitna ng kapulunga’y pupurihin kitang ganap. / Purihin ang Panginoon ng lahat ng kanyang lingkod, / siya’y inyong dakilain, kayong angkan ni Jacob; / ikaw bayan ng Israel ay sumamba at maglingkod. (T) SALMONG TUGUNAN: D'yos Ko! D'yos Ko! Bakit Naman Ako'y 'Yong Pinabayaan.