HOLY MONDAY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas.  May 05,  2025. 6a.m

HOLY MONDAY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. May 05, 2025. 6a.m

Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Begins HEALING MASS (K) May 5, 2025 Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Third Week of Easter || Healing Monday Mass BANAL NA MISA SALMONG TUGUNAN Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. o kaya: Aleluya. Kahit ako ay usigi’t labanan ng pamunuan, itong iyong abang lingkod sa utos mo’y mag-aaral. Ang buo mong kautusan sa akin ay umaaliw, siyang gurong nagpapayo sa lahat kong suliranin. Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Pinatawad mo ang aking mga gawang kamalian, ituro mo sa lingkod mo ang tuntunin mo at aral. Ang lingkod ay turuang masunod ang kautusan, sa utos mong mapang-akit, ako nama’y mag-aaral. Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Sa landas na di matuwid, huwag mo akong babayaan, pagkat ikaw ang mabuti, ituro ang iyong aral. Ang pasiya ko sa sarili, ako’y maging masunurin, sa batas mo, ang pansin ko ay doon ko ibabaling. Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. ALELUYA Mateo 4, 4b Aleluya! Aleluya! Ang tao ay nabubuhay sa Salita ng Maykapal na pagkaing kanyang bigay. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Juan 6, 22-29 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan Kinabukasan, nakita ng mga taong nanatili sa ibayo ng lawa na naroon pa ang isang bangka. Alam nilang si Hesus ay hindi kasama ng mga alagad, sapagkat ang mga ito lamang ang sumakay sa bangka at umalis. Dumating naman ang ilang bangkang galing sa Tiberias at sumadsad sa lugar na malapit sa kinainan nila ng tinapay matapos magpasalamat sa Panginoon. Nang makita ng mga tao na wala na roon si Hesus, ni ang kanyang mga alagad, sila’y sumakay sa mga bangka at pumunta rin sa Capernaum upang hanapin si Hesus. Nakita nila si Hesus sa ibayo ng lawa, at kanilang tinanong, “Rabi, kailan pa kayo rito?” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga kababalaghang nakita ninyo, kundi dahil sa nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ibibigay ito sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng kapangyarihan ng Diyos Ama.” Kaya’t siya’y tinanong nila, “Ano po ang dapat naming gawin upang aming maganap ang kalooban ng Diyos?” “Ito ang ipinagagawa sa inyo ng Diyos: manalig kayo sa sinugo niya,” tugon ni Hesus. Ang Mabuting Balita ng Panginoon. #onlinemass #livestreammass #padrepiomass Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL) Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas