TAGALOG HOMILY (JULY 7, 2024) | 14TH SUNDAY IN ORDINARY TIME YEAR B | DOM LORENZO MARIA, SSCV 🌿

TAGALOG HOMILY (JULY 7, 2024) | 14TH SUNDAY IN ORDINARY TIME YEAR B | DOM LORENZO MARIA, SSCV 🌿

MIRACLES DO HAPPEN! Hayaang maging Diyos ang Diyos! Sa Mabuting Balita ngayong Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon, mababasa natin na maging sa karanasan Panginoon naging totoo ang dalawang kasabihan sa Ingles “you cannot please everybody” at “familiarity breeds contempt. (Cfr. Marcos 6:1-6) Isinasaysay sa Ebanghelyo ang pagtatakwil kay Hesus ng mismong mga kababayan noong minsan siyang umuwi. Sa Araw ng Pamamahinga, kasama ang kayang mga alagad, naimbitahan ang Panginoon sa sinagoga na kanyang dinaluhan sa lobo ng tatlumpung taon upang mangaral doon. Laganap na noon ang Kanyang kasikatan bilang Guro at manggagamot. Matapos magsalita, marami ang hindi matanggap ang kanyang aral kahit ito ay puno ng karunungan at aral. Ang kanilang katwiran: kilala nila ang Panginoon, alam nila ang Kanyang pinagmulan at kilala nila ang Kanyang pamilya. Sabi ng mga taga Nazareth: “Hindi ba ito ang karpenterong anak ni Maria” Kaya hindi nila Siya natanggap at mapaniwalaan. Kaya sumagot si Hesus: “Ang propeta’y iginagalang ng lahat liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak at mga kasambahay.” (Marcos 6:4) Diin ng pagbasa, dahil sa kakulangan ng kanilang pananampalataya at pangungutya hindi nakagawa ng mga kababalaghan ang Panginoon doon, maliban sa pagpapatong ng Kanyang mga kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. Ang kawalan ng pagkilala kay Kristo sa kanyang kinalakhang bayan ay naging hadlang upang Siya ay makagawa doon ng mga kababalaghan. Ang pagdududa at pag-aalingan ng mga taga-Nazaret ang pumigil sa Panginoon ibuhos ang mapagpalang biyaya ng langit sa Kanyang mga kababayan. Lubos na nalungkot si Hesus sa pangyayari. Ganito rin ang aitng kalagayan sa maraming pagkakataon dahil hindi natin maibigay sa Diyos ang ating lubos na pagtitiwala, nagkukulang ang ating pananalig sa Kanyang kakayahan! Giit ng Simbahan, “often we do not see wonders because we do not expect them. We do not allow God to be God to us. We have very limited expectations of him because we imagine that he is like us. But we need an 'expectant faith,’ which, if genuine, can even move mountains.” Kailangan natin paniwalaan na ang Diyos ay lubos na makapangyarihan upang mamalas ang Kayang malasakit at pagmamahal! Walang imposible sa Panginoong Diyos! Kaya Niyang lumikha ng anumang bagay mula sa wala. Walang anumang bagay na hindi Niya gagawin at ipagkakaloob para sa ating kabutihan. Ang taong puno ng pag-asa at pananampalataya ay bukas ang sarili at puso sa anumang posibilidad na handog na nagmumula sa Diyos. Sa Bibliya, ginagantimpalaan ng Panginoon ang mga may dakilang pananampalataya sa pamamagitan ng paggawa ng mga kamangha-manghang bagay sa kanila. Patuloy na ginagawa ito ng Diyos sa ating panahon! Napakarami nang gumaling sa karamdaman at tumanggap ng kahilingan dahil sa pagsusumamo sa Poon nang may buong tiwala at pag-asa. Napakarami ang makapagpapatunay na kahit ngayon, “miracles do happen!” Kaya kung nais mong mamalas ang kapangyarihan at kadakilaan ng Diyos, buksan mo ang iyong puso sa Kanya. Hilingin mo na maging Diyos siya para sa iyo at huwag mong limitahan ang kakayahan Niya dahil sa kakulangan ng iyong pananampalataya! Isuko mo ang iyon kalooban sa Kanyang aksiyon upang katulad ni Maria, iyo ring masabi: “Gumawa Siya ng mga dakilang bagay para sa akin!” (Lucas 1:49)