TITLE: MAHAL MO BA TALAGA AKO BY: MERCY BLESS C. LIGERO Mahal mo ba talaga ako? Mahal mo ba talaga ako? Isang tanong na pinaka ayaw kong malaman ang sagot Sagot na galing sa taong pinakamamahal ko Sagot na alam kung ikakadurog ng puso ko Siguro alam mo na yung pakiramdam Na nagmamaang maangan sa reyalidad Na mas pinili mong magbubulagbulagan kasi takot kalang masaktan Yung hinahayaan mong lolokohin ka ng isip mo Kasi mas naniniwala ka sa tibok ng puso mo Na kahit na napakalinaw na ng sagot Sa tanong na mahal kaba talaga? Ay nangingibabaw parin ang katagang “ mahal ko kasi siya “ Kaya siguro matutunan niya rin akong mahalin Alam mo yung hinahayaan mo nalang Lumipas ang buong araw At Hihintayin nalang ang pagkakataong sabihin niya sayo na mahal ka niya talaga Walang kasiguraduhan kung saan ba talaga tutungo Pareho kayong kinikilig, pareho kayong puyat At parehong di niyo alam kung ano ba talaga kayo Minsan, lahat ay tama At minsan parang lahat ay mali At habang tumatagal, mapapatanong ka nalang Kung ano ba talaga ang kayo? Kasi sa tuwing kasama mo siya Nalilito ka lalo kung ano ba talaga Kaya kung naririnig niya ito Ito yung gusto kung itanong sa harapan niya Ito yung mga tanong na ayaw kung marinig ang sagot Kasi simulat umpisa , nasa puso ko na ang takot Mahal mo ba talaga ako? O ako lang ang nagsilbi mong pahinga kapag napapagod ka Mahal mo ba talaga ako? Kasi baka pinaglalaruan mo lang ako katulad ng iba Alam kung iniiwasan mo ang mga salitang mahal kita ‘Kasi di kapa sigurado sa nararamdaman mo Pero paano naman ako Paano naman ako na tuluyan ng nahulog sayo Maghihintay nalang ba ako sa wala? Aasa nalang ba ako sa isang himala Na dumating yung panahon na Sabihin mong mahal mo ako Na sabihin mo sa harapan ko ang nais kong marinig sayo Hanggang saan? Hanggang kailan? Ko malalaman na mahal mo talaga ako. You can follow me on my Facebook Page For more hugots to share FACEBOOK PAGE : / mercy-bless-102417664695351 Lets be friends FACEBOOK: / mercybless.ligero REMEMBER TO SUBSCRIBE FOR MORE :) GOD BLESS YOU ALL :) IF NAKAABOT KA HANGGANG DITO -- I LOVE YOU HAHAHA, SALAMAT SA SUPORTA ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Title: Sa’yo Original song by: Silent Sanctuary Piano cover by: GPiano • Silent Sanctuary - Sa'yo (Piano Cover)